Dagupan City – Malaki din ang paniniwala ng mga residente ng Brazil sa mga pamahiin lalo na sa pagsalubong ng bagong taon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Honey Cristy, Bombo International News Correspondent sa Brazil, ilan nga sa mga isinasagawa ng mga ito ay ang pagsusuot ng espesipikong damit na kung sa Pilipinas ay pula o polka dots, sa kanila naman ay puti, dahil anila, sumisimbolo ito sa kapayapaan.

Dagdag pa ang pagkakapareho ng pagtalon pagsapit ng alas-dose ng 7 beses para naman sa pagkakatupad sa 7 kahilingan.

--Ads--

Bukod pa diyan, pagbibigay din ng offering sa kanilang pagdaraos ng “misa”.

Sa kabilang banda, isa pa naman sa kanilang nakagawian ay ang paghahanda ng mga konsiyerto na siyang dinadagsa naman ng publiko.

Samantala, sa kaibahan naman, kung sa Pilipinas sa ay pum,upunta ang mga turista sa beach tuwing umaga, sa Brazil naman ay gabi hanggang sa pagsapit ng alas-dose upang maligo na sumisimbolo naman sa pagiging “bago” o “renew” ng mga ito.