DAGUPAN CITY- Walang masyadong naitalang insidente ang bayan ng San Fabian kung saan masasabing naging maayos at payapa ang naging pagsalubong ng bagong taon sa nasabing bayan.
Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Engr. Lope Juguilon, head ng Municipal Disaster Risk Reduction ang Management Office ng San Fabian, una pa lamang ay nag-abiso na ang Bureau of Fire Protection ukol sa mga malalaking paputok.
May naitala ring aksidente sa daan kung saan narespondehan agad at hindi masyadong malala ang tinamong sugat ng biktima.
Aniya, kung ihahambing ang mga naitalang aksidente at anomang mga hindi mga kanais-nais na pangyayari, ay mas payapa ngayong taon.
Samantala, hindi ganoon dinayo ang San Fabian beach ng mga dayuhan galing sa iba’t-ibang lugar, bagkus ay mga locals lamang ang mga pumunta at naligo roon.