BOMBO DAGUPAN – “Mahalagang simulahin ang paglahok sa sandatahang lakas ng bansa upang magkaroon ng paghahanda para sa ating depensa.”

Ito ang inihayag ni Atty. Joey Tamayo Resource Person Dura lex Sed lex sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan ukol sa pagsali sa mga Reserve Forces o ang tinatawag na “laang kawal.”

Mayroong iba’t ibang klase ng serbisyo sa paglahok bilang isang laang kawal, maaaring maging reservist sa Philippine Navy, Philippine Army, at maging sa Philippine Airforce.

--Ads--

Dito ay may basehan sa batas kung paano sumali sa nasabing hanay at ilan sa mga requirements ay dapat 21 pataas taong gulang, at least 5 ft ang taas para sa lalaki at 4’11 naman para sa mga babae. Dapat din aniya na proportionate ang height at weight ng isang indibidwal at physically fit.

Kaugnay nito ay kailangan din ng birth certificate, marriage certificate para sa may mga asawa, college diploma para sa mga college graduate at ang national I.D.

Kapag kwalipikado naman sa mga nasabing requirements ay matatawagan kung may magaganap na training.

Samantala, dahil ito ay isang volunteer work nakakatanggap lamang ang mga reservist ng sahod sa tuwing may call to active duty gaya na lamang tuwing eleksiyon. Kapag nagpatawag ng mga army reserve para dagdagan ang mga tutulong sa pagbabantay ng mga voting center kung saan ay makatatanggap sila ng isang libo sa isang araw.

Inaanyayahan nga ni Atty. Tamayo ang mga samahan at kapatiran na magkaroon ng paghahanda para ating depensa sa anumang banta sa ating kaligtasan at katahimikan.