Tuloy-tuloy ang pagmamasid Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa nalalapit na halalan sa bansa kung saan talamak ang vote buying.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Ms. Anna Singson, Executive National Director Parish Pastoral Council for Responsible Voting bagama’t ay mas lalo ng lumalaganap ang vote buying ay makikita rin na nakakabili na ang mga kandidato ng boto ng buong barangay o buong barangay hindi lamang kada tao.

Lalo na ngayon at hightech na rin ang paraan ng pamimigay kung saan maaari na via online transfer o bank transfer.

--Ads--

Kaugnay nito aniya ay paano magiging democratic o free choice ang pagboto ng mga botante kung kaya itong imanipula sa pamamagitan ng pamimigay ng pera.

Hinggil dito ibinahagi din niya na malaking hakbang ang paghuli ng warrantless arrest sa mga naaktuhang nagbebenta o bumibili ng boto ng taumbayan.

Patunay na lamang ang mga naipapaulat na nahuhuli gayundin ang mga kandidatong nadidisqualify.

Dahil sa mas pinalakas na ang batas hinggil dito ay mas maaaksyunan na ang mga ganitong isyu sa tuwing sasapit ang eleksiyon.

Panawagan naman nito sa publiko na huwag magpabulag sa pera at maging mapanuri sa pagpili ng tamang kandidato na manunungkulan sa ating bansa.