Pansamantala munang hindi papayagan ang pagpasok ng mga pato at manok sa lalawigan ng Pangasinan.


Ito ay kasunod ng pagkakatala ng kaso ng bird flu subtype H5N1 sa mga probinsya gaya ng Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Benguet, Tarlac, Isabela, Laguna, North at South Cotabato, at Maguindanao.


Batay sa inilabas na EXECUTIVE ORDER NO. 0103-2022 o IMPLEMENTING A TEMPORARY TOTAL BAN ON THE ENTRY OF ALL DUCKS AND SPENT HEN (CULLS) INTO THE PROVINCE OF PANGASINAN na nilagdaan ni Gov. Ramon “Mon-Mon” Guico III, mula July 12 hanggang September 30, 2022 ay hindi muna papayagan ang papayagan ang pagapasok ng mga nabanggit na mga hayop para mapangalagaan naman ang poultry industry ng lalawigan.

--Ads--


Kasunod din nito ay mas pina-igting pa ang pagbabantay sa mga quarantine checkpoints sa entry at exit points sa Pangasinan gaya na lamang ng Tarlac-Pangasinan- La Union Expresway (TPLEX) at iba pang mga stragetic roadlines.


Maliban pa rito, inabisuhan din Provincial Veterinary Office ang mga farm owners ng mga manok, pabo, gansa, at ibang poultry products na magpresenta ng certification na hindi kontaminado ng Avian Influenza at Newcastle disease an kanilang pasilidad.


Bukod pa rito au inabisuhan na rin ng naturanga ahensiya local chief executives sa lalawigan na pag-igtingin ang kanilang mga gagawaing mga safety at monitoring measures sa mga slaughterhouses, public markets, poultry farms sa kanilang lugar para maiwasan na magkaroon ng outbreak ng mga nabanggit na sakit lalo na sa kanilang nasasakupan.