Nakatakdang imbestigahan ng senado ang pagpasok ng maraming imported na sibuyas dito sa Pilipinas.
Ito ang nakumpirma mula kay Sen. Cynthia Villar, chairman ng Committee on Agriculture ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso, sa pagbisita nito sa lalawigan ng Pangasinan.
Aniya, tatlong beses na mas marami ang naitalang pumasok na imported na sibuyas sa bansa dahilan upang labis na bumaba ang presyo nito sa merkado.
Matatandaan na labis na naapektuhan dito ang mga magsasaka ng sibuyas mula sa bayan ng Bayambang na siyang itinuturing na onion capital ng probinsya.
Ayon pa kay Sen. Viilar, sa pagbabalik nila matapos ang election breaka y nakatakdang imbestigahan ang insidente kung bakit pinayagang papasukin sa bansa ang napakaraming sibuyas lalo at mali aniya ang ganitong gawain.