DAGUPAN CITY- Dapat na bigyang pansin ang kaligtasan sa mga kinakaing pagkain ngayong summer season, lalo na at naglipana ang mga food borne illnesses dahil sa mainit na panahon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Rhuel Bobis Medical Officer IV ng Department of Health Region 1, madaling mapanis ang mga inihahandang pagkain dahil sa init ng panahon.

Aniya, maraming mga food borne illnesses ang maaring makuha sa pagkonsumo ng sirang pagkain na maaaring humantong sa food poisoning.

--Ads--

Dapat aniyang maging malinis at ligtas tuwing maghahain at magluluto ng pagkain at ugaliing hugasang mabuti ang mga prutas at gulay, samantlanag lutuin namang mabuti ang mga karne.

Inirerekomenda rin na huwag masyong patagalin sa room temperature ang mga pagkain at ilagay agad sa malamig na lugar upang hindi agad tubuan ng bacteria at mga molds.

Samantala, importante ang hydration tuwing mainit ang panahon dahil na nawawalng tubig sa ating katawan.

Hindi rin inirerekomenda na uminon ng mga caffainated drinks tulad ng kape at softdrinks dahil mas nakapagpapalala ito ng dehydration.

Naitala rin ng kanilang tanggapan ang 1064 na kaso ng dengue sa buong Rehiyon Uno, kung saan bahagya itong tumaas kumpara noong nakaraang taon.