DAGUPAN CITY- Kinumpirma ng Pangasinan Irrigation Management Office (PIMO) na walang epekto sa mga palayan ang pagpakawala ng tubig ang San Roque Dam sa pamamagitan ng pagbubukas ng isang gate.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Engr. John Molano, Division Manager ng Pangasinan Irrigation Management Office (PIMO), ang tubig na pinakawalan ay dumadaan direkta sa Agno River kaya’t walang epekto ito sa mga palayan sa paligid.

Tiniyak ng PIMO na patuloy ang kanilang monitoring upang mapanatili ang kaligtasan ng mga komunidad sa paligid ng dam.

--Ads--

Sa ngayon ay binabantayan pa rin ang panahon na maaring magdulot pa ng masamang epekto sa mga sakahan.