Tuloy-tuloy pa rin ang pagpapaigting ng border entry points sa lungsod ng Dagupan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Vladimir Mata, City Administrator – Dagupan City, bagaman nakikita umano nila ang mahigpit na pagpapatupad ng protocols mula sa “NCR+” bubble ay hindi pa rin nagpapakakampante ang lungsod mula sa kanilang entry points sa barangay Binloc, Lucao, Caranglaan at Bolosan.
Ito rin aniya ay bilang tugon sa mga naitalang nag positibo mula sa mga bagong variants sa loob ng lalawigan ng Pangasinan.
Pagdepensa naman nito hinggil sa mga baratilyong nakatalaga sa downtown area, ay pinayagan ang mga maliliit na negosyong ito sapagkat ang naturang lungsod at lalawigan ay nasa ilalim naman aniya ng Modified General Community Quaratine (MGCQ), hindi gaya ng mga nasa Metro Manila.
Aniya, ito rin umano ay upang matulungan ang mga negosyanteng ito sa gitna ng krisis na nararamdaman sa gitna ng pandemyang dulot ng