Pinaghandaan ng LGU Dagupan ang pagdating sa lungsod ng unang batch ng higit kumulang 600 doses ng Pfizer vaccine.
Ayon kay Dagupan city mayor Marc Brian Lim, walang naging problema sa paglalagyan nito dahil naka standby ang storage facility ng Region I Medical Center.
Aniya, bago pa dumating ang bakuna ay nakipag usap na siya sa director ng Region I Medical Center dahil sila lang ang mayroong ultra cold freezer sa lungsod.
Sapat naman umano ang kapasidad para ilagay doon ang mga vaccine.
Paliwanag ni LIm na ang Pfizer ay kailangan na ilagay sa long term storage.
Puwede rin naman umanong ilagay sa short term storage kaya puwedeng ilagay sa refrigerator sa Astrodome basta magamit sa loob ng limang araw.
Samantala, tiniyak ng alkalde na pinag-aaralan na kung ano ang magiging side effects ng bakuna sa mga gagamit.
Kaugnay nito ay handa naman aniya ang mga ospital sa lungsod na tugunan o magbigay ng kaokolang medikal na atensyon sa mga taong mabakunahan ng Pfizer na makaranas ng adverse effect sa kanilang katawan.




