BOMBO DAGUPAN – “The Vice-President should answer it nonchalantly”
Yan ang binigyang diin ni Atty. Emanuel Cera, Constitutional lawyer kaugnay sa naging sagutan nina Vice President Sara Duterte at Sen. Risa Hontiveros sa pagdinig ng panukalang pambansang budget ng Office of the Vice President (OVP) na nagkakahalaga ng P2.037 bilyon para sa susunod na taon.
Nag-ugat ang sagutan ng dalawa nang usisain ni Hontiveros kung ano ang paksa ng librong inakda mismo ni Duterte na pinondohan ng P10 milyon at ipamamahagi ng OVP sa mga mag-aaral sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay Atty. Cera na maraming nasabi ang Bise Presidente dahilan upang pag-usapan ang balita, kung saan naging mas emosyonal din ang kasagutan nito noong matanong na siya ni Hontiveros patungkol sa libro.
Aniya ay sinabi na lamang sana nito na parte lamang iyon ng kaniyang trabaho bilang bise-presidente.
Samantala, nakikita naman nito na isang paraan para tumaas ang pagkilala kay VP Sara ang paglalagay nito ng kaniyang pangalan sa nasabing libro.
Bagamat hindi man necessary na ilagay niya ito pero isa itong paraan para kumalat ang pangalan niya at mas makilala sakali mang tatakbo ito sa pagkapangulo sa 2028 Presidential Election.