May mga patakaran ukol sa paggamit ng apelyido ng ama ng mga batang ipinanganak out of wedlock o labas ng kasal, alinsunod sa RA 9255 at iba pang batas.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan Atty. Joey Tamayo, Co-anchor ng Duralex Sedlex, may dalawang pagkakataon ang isang anak ng mga magulang na hindi kasal upang maging lehitimo ang kanilang sitwasyon.

Una, kapag ang magulang ay nagpakasal pagkatapos ipanganak ang bata, ang anak ay magiging lehitimo.

--Ads--

Sa ganitong kaso, ibibigay ang marriage contract sa Civil Registrar bilang patunay ng kasal, at susunod ang apelyido ng ama.

Sa ilalim naman ng RA 9255, kinakailangan ang ama para magamit ang kanyang apelyido.

Kahit single o may pananagutan ang ama, sa pamamagitan ng affidavit na nagsasaad na kinikilala niya ang bata, maaari itong maisakatuparan.

Dagdag niya, ang ina at ang anak, kapag umabot na sa age of reason, ay kailangang gumawa ng consent to use the surname.

Ngunit, kung ang magulang ay hindi kasal, masusunod pa rin ang apelyido ng ina, at ang bata ay walang middle name.

Binigyang-diin ni Atty. Tamayo ang kahalagahan ng maayos na pag-uusap at pagkakaunawaan sa pagitan ng magulang, upang maiwasan ang anumang problema sa hinaharap.