Iniimbestigahan parin ng mga kapulisan ang pagkamatay ng isang 43 anyos na pulis na residente ng Burgos, Pangasinan na natagpuang patay habang nagiischooling sa Regional Training Center 1.
Ayon kay PMAJ Romel Centeno, Cop ng Aringay PNP sa pagresponde ng mga kapulisan sa insidente ay natagpuan na lamang ng mga ito ang katawan ng biktima na malapit sa puno ng manga at rappeling tower.
Base sa kanilang obserbasyon sa insidente ay maaaring aksidenteng nahulog ang biktima at walang nakikitang foul play sa pangyayare.
Patuloy naman ang imbestigasyon sa insidente at hinihintay ang resulta ng autopsy examination report ng socco sa katawan ng biktima.
Ngunit sa pagresponde naman ng kapulisan sa insidente ay kapansin pansin umano ang mga bali sa mga paa at likod ng biktima na senyales ng pagkabagsak nito.