Mahigpit ngayong iniimbestigahan ang pagkakatagpo sa nagliliyab pang katawan ng isang lalaki sa isang abandonadong palaisdaan sa Brgy. Bical, Mabalacat City, Pampanga.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng biktima na hindi na makilala dahil sa matinding pagkakasunog ng katawan at mukha nito.

Natagpuan ng mga residente ang bangkay ng biktima na nasusunog pa sa palaisdaan sa Purok 1 sa nabanggit na lugar.

--Ads--

Agad nilang ipinagbigay alam ang pangyayari sa pulisya na mabilis namang rumesponde sa lugar at narekober ang sunog na katawan ng biktima.

Pinaniniwalaang hindi residente ng lugar ang biktima na posible umanong sadyang itinapon sa lugar at doon sinilaban .