DAGUPAN CIY- Panawagan ng mga overseas filipino workers (ofw) ang pagpapanagot kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnel Ignacio matapos itong masangkot sa bilyon-bilyon halaga ng land deal ng OWWA na hindi naman apurbado ng board.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Lucy Ortega, Samahan ng mga Domestic Helper sa Gitnang Silangan (SANDIGAN), laking pagtataka nila ang paglabas ng OWWA ng ganitong halaga kung hirap naman silang maabutan ng ayuda o tulong pinansyal.
Aniya, hindi na nila ito ikinabigla dahil umabot sa P1.4 Billion ang nakalusot subalit sa dekada na nang nagbukas ang Action Fund para sa Distressed OFW ay hindi sila labis na nakinabang.
Marami pa ang mga OFW na biktima ng human trafficking ang hindi pa nabibigyan ng tulong.
Maging sa mga plano ng ahensya ay wala silang kaalam-alam dahil hindi rin naman ito ibinabahagi sa publiko.
Pinagdududahan naman nila na hindi lamang si Ignacio ang sangkot at maaaring may kasamahan ito sa loob ng ahensya.
Maaari rin na hindi lang ito ang kabuoang halaga at maaaring mas malaki pa.
Kaya nararapat lamang na agad itong sinibak at hiling nila na mapanagot ito.