DAGUPAN CITY- Bilang bahagi sa pagtataguyod sa sector ng agrikultura at sa mga magsasaka sa bayan ng Bayambang patuloy ang pagtulong at pagsuporta ng Pamahalaang local sa kanilang mga magsasaka.

Ayon kay Former Mayor Cezar Quiambao, magkakaroon na ng irigasyon ay 22 barangay sa bayan ng bayambang na makakatulong para sa kanilang pagtatanim at paghahanapbuhay.

Bukod pa rito ay mayroon nang proyekto para sa pagtatayo ng cold storage facility sa bayan sa brgy. Sapang at sa brgy Amancosiling partikular para sa mga sibuyas.

--Ads--

Ang proyektong ito ay na nagkakahalaga ng P340 milyon,na naglalayong magbigay ng solusyon sa mga magsasaka sa lugar sa pamamagitan ng pag-iimbak ng kanilang mga ani at pagkontrol sa presyo ng mga sibuyas sa merkado.

Ang lokal na pamahalaan ng Bayambang ay aktibong nakikipag-ugnayan sa mga magsasaka at mga samahan ng magsasaka upang matiyak na ang proyekto ay makikinabang sa kanila.