“Sana marami pa ang umusbong na ganitong asignatura.”

Yan ang ibinahagi Kevin Conrad Ibasco History Instructor kaugnay sa pagdiriwang ng National Heroes Day.

Aniya na sa tuwing sasapit ang buwan ng Agosto ay hindi lamang buwan ng Wika ang ipinagdiriwang kundi maging ang buwan din ng kasaysayan kung saan ay inaalala natin ang mga nagawa ng ating mga bayani.

--Ads--

Kalakip ng pagdiriwang na ito ay hindi lamang ang ating mga National Heroes ang binibigyang pugay kundi maging ang ating mga “modern heroes”.

Bilang pag-alala ng nasabing pagdiriwang ibinahagi naman nito na maganda na mandated sa mga kolehiyo na pag-aralan ang “life and works of rizal” kung saan umaasa ito na sana ay marami pa ang umusbong na ganitong mga asignatura.

Gaya na lamang ng pagkilala sa ating mga local heroes upang higit na mabigyan sila ng pagkilala sa kanilang mga nagawa at accomplishments.

Gayundin upang mapagkunan ng aral at magsilbing inspirasyon sa kasalukuyang henerasyon.

Saad pa nito na kailangan nating tingnan na ang nangyayari sa kasalukuyan ay kakabit ng nangyari sa kasaysayan ng ating nakaraan kayat mainam na ito ay ating malaman.