BOMBO DAGUPAN- Ang arrythmia ay isang kondisyon ng isang puso kung saan hindi normal ang rate o ritmo nito.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Glenn Joseph Soriano, US Doctor & Natural Medicine Advocate, ang taong nakakaranas nito ay nagkakaroon ng hindi regular na tibok ng puso kung saan mayroon itong higit o kulang pa sa normal na heart beat. Hindi rin nito nasusunod ang normal na ritmo ng puso.

Ani Dr. Soriano, “very subtle” ang laki o sintomas nito, ngunit ang madalas na sintomas nito ay ang pagkakaroon ng palpitation o nakakaramdam ng pagkaba. Mayroon din itong delekadong senyales kung saan nahihilo, nahihimatay, o nakakaramdam ng chest pains naman ang isang taong mayroong arrythmia.

--Ads--

Nagdudulot ang naturang kondisyon sa isang indibidwal na mas maging emosyonal ito.

Paglilinaw din niya, may iba’t ibang factor ang pagkakaroon nito, kabilang na dito ang iregular na electrical pulses sa puso, chemical imbalances, electrolytes imbalances, o ang problema sa endocrine system.

Sinabi din niya na maaaring makakuha ng ganitong kondisyon sa puso kung aabusuhin ang iba’t ibang inumin katulad ng energy drinks, lalo na kung mayroon na itong kasalukuyang iniindang sakit.

Kung nakitaan naman ng mga nasabing sintomas, maaaring suriin ang pulso kung may iregularidad ito. Maaari din magpakonsulta sa mga eksperto upang mas maging malinaw ang makikita.

Samantala, sari-sari din ang maaaring gamiting panggamot sa arrythmia. Isa na dito ang electrical ablasion o ang pagsunog ng electrical fat ng puso upang matigil ang abnormal na electrical pulses.

Mayroon ding Beta-blockers na ginagamit sa pagkokontrol nito.

Saad pa ni Dr. Soriano, ginagamit naman ng first aiders ang Vagal Stimulation kung saan hinihimas ang isang parte sa leeg.

Binigyan diin naman nito, isang cause and effect ang arrythmia kung saan maaaring magdulot ito ng panibagong sakit o nagmula ito dahil sa isang sakit.

Kaya hinihikayat ni Dr. Soriano na mas mabuting magpakonsulta sa doktor upang maiwasan itong lumaki pa at magdulot ng pagkasawi.

Dapat din aniyang magkaroon ng magandang stress management ang isang indibidwal na may arrythmia.