DAGUPAN CITY- Hindi biro ang magkaroon ng Chicken Pox at Hand Foot and Mouth Disease dahil maaari itong makahawa sa iba.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Doc. Wilsky Delfin, isang Naturopathic Doctor/Herbalist/ Natural Spine Alignment Specialist, dapat na i-isolate ang mga pasyenteng may ganitong klaseng karamdaman at agad na ipakonsulta sa doktor.

Aniya, maaaring makaroon ng mas malalang komplikasyon sa kalusugan ng pasyente kapag hindi ito naagapan.

--Ads--

Hindi rin aniya maganda ang mag-self medicate dahil maaaring hindi naman matanggal ang root cause ng sakit at magkaroon ng hindi kaaya-ayang side effects.

Kailangan ding makinig sa payo ng mga doktor kung ano ang mga bawal at maaaring kainin.