BOMBO DAGUPAN- Binigyan linaw ni Dr. Wilsky Delfin, Naturopathic Doctor/ Herbalist/ Natural Spine Alignment Specialist, na ang bone cancer ay hindi lamang tumatama sa iisang buto kung sa kahit anong parte.

Sa kaniyang panayam sa Bombo Radyo Dagupan, ang sintomas nito ay kinabibilangan ng pananakit ng buto sa gabi at malamig na panahon, pagkabukol o lump, at ang ib naman ay pagkakaroon ng pamumula at pamamaga sa kanilang umpungan. Humihina naman ang mga buto pag ito ay nabali.

Napapansin din ni Dr. Delfin na bumababa ang timbang ng nakakaranas nito at nahihirapan nang gumalaw.

--Ads--

Nagpaalala naman siya na sa oras na makaramdam ng sintomas ay agad din dumako sa mga doktor upang makumpirma kung bone cancer na ito at maagapan.

Umaabot kase sa 60% ang mga gumagaling sa nasbing sakit, subalit karamihan naman sa mga kalalakihan ang natatamaan nito kumpara sa kababaihan.

Kaugnay nito, kung makumpirma ito habang nasa Stage 1, malaki pa umano ang tsansa na gumalit ito.

Binigyan linaw naman ni Dr. Delfin na maaaring matamaan din ang nasa edad 10-19 kung daan tinatawag na itong esteosarcoma.

Gayunpaman, mas malaki pa din ang survivability ng mga kabataang tinatamaan.

Samantala, sinabi ni Dr. Delfin na malaki din nakakaapekto ang lifestyle ng mga tao upang magkaroon ng bone cancer.

Kaya hinihikayat niya na iwasan ang mga ito ang masasamang bisyo, katulad ng paninigarilyo at pag inom ng alak. Gayundin sa pag inom ng kape.

Makakatulong naman ang mga prutas, gulay, pag eehersisyo at pagbabad sa sikat ng araw sa umaga upang mabigyan ng kalakasan ang mga natamaan nito.

Dapat kumain din sa matataas na protina upang masuportahan ang mga buto.

Upang mabigyan lunas ito, kadalasan umano itong dumadaan sa proseso ng operassyon.

Subalit maaaring makatulong ang natural na pamamaraan, tulad ng paggamit ng alingatong. Ang ugat nito ay nakitaan ng pagpaaptibay ng buto. Pwede din ilaga ang horsetail at ito ay inumin.