Iba-iba ang sanhi ng pagkakaroon ng appendicitis.
Ayon kay Dr. Glenn Joseph Soriano, US Doctor at Natural Medicine Advocate ang appendicitis ay tumutukoy sa implamasyon sa appendix ng iasang tao.
Bagama’t wala itong definite purpose ito sa katawan ng tao kapag naging infected ito o inflammed ay ito ang tinatawag na “appendicitis”.
Aniya ay dapat alisto sa sakit na ito dahil kapag ito ay hindi naagapan agad ay maaring mapunta sa alanganin ang buhay ng isang tao.
Subalit kapag naagapan naman agad ay mabilis lamang din na gagaling o makarekober ang pasyente.
Kaugnay nito ilan naman sa mga sintomas ng sakit na appendicitis ay pagsusuka, pagkahilo o di naman kaya ay konting pagbabago sa habit ng isang tao.
Dito ay magsasagawa naman o magkakaroon ng doktor ng tests o laboratory gaya na lamang ng x-ray o ultrasound.
Kaya’t paalala nito na mainam parin na bigyan ng panahon ang katawan na i-digests ang mga pagkain na pumapasok sa ating katawan.