DAGUPAN CITY- Dapat na seryosohin at huwag gawing biro ang pagkakaroon ng acne dahil maaaring maapektuhan ang ilang bahagi ng katawan.

Sa panayan ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Janice Garcia-Rigos, isang Dermatologist at Diplomate ng Philippine Dermatological Society, karaniwang nagkakaroon ng acne ang mga kabataang edad 12 hanggang 25, kung saan madalas naaapektuhan ang balat sa mukha.

Aniya, iba-iba ang anyo ng acne, may whiteheads, blackheads, maliliit na pulang pantal, bukol na may nana, at maging malalaking bukol sa malalang kaso.

--Ads--

Hindi lamang mukha aniya ang naaapektuhan kundi pati ibang bahagi ng katawan.

Mainam na agad magpakonsulta sa dermatologist habang maaga pa para maagapan ito at maiwasan ang tuluyang paglala.
Depende sa kalagayan at budget, maaaring magreseta ng gamot o oral contraceptives at i-refer sa OB-Gyne.

Dagdag pa niya, normal lang ang breakout o purging habang nagsisimula pa lang ang gamutan.

Dapat ring tingnan kung amy history ng pamilya ng acne at dapat na maging healthy ang mga kinakain at dapat na balanse ang diet ng isang tao upang maiwasan ang pagkakaroon ng acne.