Patuloy na iniimbestigahan ang pagkakakinlanlan ng natagpuang bangkay ng isang lalaking palutang lutang sa Angalacan river sa Barangay Sabang sa bayan ng Manaoag.

Ayon kay PCapt. Brian Julius Abellar ang Deputy Chief of Police ng Manaoag PNP na una rito ay nakatanggap ang kanilang himpilan ng isang tawag mula sa concerned citizen na nagsasabing nakakita ito ng bangkay na lumulutang sa nasabing ilog kung kaya naman agad na tinungo at nirespondehan.

Sa inisyal na imbestigasyon, ay inihayag umano ng concerned citizen na habang siya ay naliligo sa ilog ay nakita niya ang bangkay na nakasuot ng dilaw na polo shirt na may panloob na blue sweatshirt.

--Ads--

Agad na dinala ang biktima sa Manaoag Community Hospital ngunit nalaman na ito ay nasa decomposition stage na.

Dagdag nito na sa ngayon ay wala pang ibang impormasyong nakukuha ukol sa pagkakakilanlan ng biktima kung kaya naman nakipagugnayan na rin sila sa iba pang mga istasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan nito.

TINIG NI PCAPT. BRIAN ABELLAR

Sa ngayon ay nasa punerarya na ang katawan ng biktima habang patuloy pa ring inaalam ang tunay na dahilan ng kanyang pagkamatay sa pamamagitan ng post mortem examination.