Isang natatanging ganapan sa criminal justice system ng America ang pagkakahatol ng higit 22 taon na pagkakakulong kay Derek Chauvin, isang white American at dating pulis na pumatay sa African-American na si George Floyd sa Minneapolis City, Minnesota, USA.

Ngunit ayon sa bahagi ng ulat ni Bombo Radyo Dagupan International News Correspondent Isidro Madamba Jr., mula sa California, nagpapakita ito ng mapait na katotohanan hinggil sa pagpapatupad ng mga polisiya at pagkakaroon ng tapat na pananagutan.

Ito ay dahil bago pa man tinuhod sa leeg ni Chauvin ang walang laban na si Floyd dahil sa pagkakaposas nito sa loob ng siyam na minuto kaya ito nasawi ay isa na siya sa napakalaking bilang ng mga pulis na ilang ulit nang inirereklamo ng mga sibilyan ngunit kailanman ay hindi naman napatawan ng seryosong pagdidisiplina mula sa kanilang departamento.

--Ads--

Matatandaan na sa loob ng 19 taong panunugkulan ni Chauvin bilang pulis ay nasangkot ito sa ilang shootings at subject din ng hindi bababa sa 17 civilian complaints.