DAGUPAN CITY – “Maaaring sumulat sa kompanya at maaari ding magdemanda.”

Yan ang naging kasagutan ni Atty. Joey Tamayo, Resource Person ng Duralex Sedlex patungkol sa paniningil sa pautang ng isang empleyado kung siya ay co-maker ng isang loan ng katrabaho gayong naging bahagi siya sa responsibilidad sa pagbabayad.

Ani Tamayo na kung ang isang tao ay pumirma ng kontrata bilang isang co-maker ay siguradong may obligasyon na kailangang panagutan kahit hindi nakinabang sa salaping hiniram ng katrabaho.

--Ads--

Kung saan ay maaaring isingil ng co-maker ang kaniyang binayaran sa kompanya bagaman ay alam nila na isa siya sa mga nagbayad ng nasabing loan.

Kaya’t bago matanggap ng nasabing empleyado ang kaniyang final claims sa kompanya na dati niyang pinagtatrabahuan ay mainam na masettle muna ang kaniyang pananagutan sa kaniyang katrabaho na naging co-maker sa kaniyang loan.

Sakali mang tumanggi itong bayaran ang kaniyang naging utang ay maaaring magpadala ng demand letter, nakasaad na ang co-maker ay naniningil ng utang.

Bukod dito ay maaari din itong lumapit sa hukuman at doon ay magdemanda ukol dito.

Ang promisory note ay isang kontrata na kung saan ang maker ay ang pangunahing umutang at ang pagpirma bilang co-maker ay nangangahulugan na siya ay mayroon na ding pananagutan kaya’t ani Atty. Tamayo na mag-ingat sa pagpasok sa anumang transaksiyon.