BOMBO DAGUPAN – “Walang problema dahil nakapagconsolidate naman ang hanay ng transportasyon sa lalawigan.”

Yan ang ibinahagi ni Bernard Tuliao, President Auto-Pro One Pangasinan sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan sakanya ukol sa paghuli sa mga unconsolidated PUJ sa ngayong linngo.

Aniya na 100 porsyento sa lalawigan ay nakapagconsolidate naman kaya’t hindi ito magiging problema.

--Ads--

Kaugnay nito aniya ay mahihirapan lamang ang mga enforcers sa paghuli sa mga hindi naman nakapag-consolidate maliban na lamang kung may mga palatandaan gaya ng stickers para sa miyembro na sila ay nakapaloob sa kooperatiba.

Dagdag pa niya na dapat ay magkaroon na lamang ng memorandum circular ang LTFRB para sa mga hindi pa nakapag-consolidate kung maaari pa silang humabol na pumaloob dito.

Samantala, para naman sa rollback sa petrolyo aniya ay malaki itong tulong sa kanilang hanay dahil makakatipid sila ng humigit kumulang P100.

Pinaalalahanan nga din niya ang mga namamasada na ugaliing mag-ingat at wag abusuhin ang kanilang sarili lalo na ngayon na may mga naitatalang kaso na naman ng Covid sa bansa.