BOMBO DAGUPAN – Kaabang abang ang mainit na sagupaan ng Dallas Mavericks at Minnesota Timberwolves sa Western Conference finals.

Nakapasok ang number 5 team na Dallas sa first round ng talunin nila ang Los Angeles Clippers sa ika-anim na laro habang binura ng Minnesota sa first round Western Conference playoffs ang Phoenix Suns sa pamamagitan ng 4-0 sweep.

Sa pagpasok ng West semifinals ay giniba ng Dallas ang Oklahoma City Thunder sa anim na laro habang sinibak ng Timberwolves ang defending champion na Denver Nuggets sa tinaguriang biggest Game 7 comeback sa playoff history.

--Ads--

Apat na beses na nagkaharap ang Dallas at Minnesota sa regular season kung saan tatlong dito ay nagwagi ang Timberwolves kung saan lahat ng mga ito ay hindi pa nai-trade ang ilang key players ng Mavs na sina Daniel Gafford at PJ Washington na may malaking tulong sa playoffs.