DAGUPAN CITY- Multicultural ang pamamaraan ng paggunita ng Valentine’s Day sa bansang Dubai dahil sa iba’t ibang lahi ang naroroon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Llana Hare, Bombo International News Correspondent sa Dubai, aniya, walang iisang depinisyon ng paggunita nito sa sakanila at nirerespeto ang bawat paniniwala hinggil sa selebrasyon.
Karamihan ay pinipiling lumabas at pumunta sa iba’t ibang tourist spots, katulad na lamang ng Burj Khalifa.
May iba rin naman na pinipili na lamang ang simpelng selebrasyon at nananatili na lamang sa loob ng kanilang bahay, katulad ng mga lokal.
Gayunpaman, hindi nawawala sa nasabing bansa, anuman ang kanilang pinagmulang kultura, ang pagbili ng regalong ibibigay sa kanilang mahal sa buhay.
Samantala, hindi kaliwa’t kanan makikita ang mga dekorasyong pang-Valentine’s Day at piling mga establishimento lamang.










