DAGUPAN CITY- Ilang oras na lamang ay sasalubungin na ang pagpasok ng taong 2025 at isa sa nakagawian ng mga Pilipino ay ang paggamit ng mga pampaingay tulad na lamang ng paputok.

Ngunit ayon kay Dr. Daniel Paolo Gracia ang siyang Officer in Charge ng Veterinary Office dito sa lungsod ng Dagupan na mayroong masamng epekto sa mga alagang hayop at nakakapagdulot ng anxiety, stress at trauma ang paggamit ng paputok.

Aniya na bukod sa sensitive ang mga hayop ay takot din ang mga ito sa tunog ng mga paputok at kadalasan ay nagreresulta ito sa pagkaligaw ng mga alagang hayop at ang iba naman ang nagkakasakit.

--Ads--

Kaugnay nito ay nagbigay ng ilang paalala at panawagan ang opisina sa mga pet owners at sa mga magpapautok para sa pagsalubong ng bagong taon na ipasok na lamang sa loob ng kanilang kabahayan ang mga alagang hayop at kung maari ay ilagay sila sa loob ng isang kwarto na sound proof, maari din na bigyan sila ng musika na pampakalma upang Kahit papaano ay mabawasan ang mga naririnig nilang mga paputok sa labas. Mas mainam din na lagyan sila ng name tag upang hindi agad din na mahahanap sila dahil may mga pagkakataon na umaalis sila at naghahanap ng ligtas o lugar na pagtataguan na malayo sa mga naririnig nilang paputok.

Dagdag pa nito sa tuwing pagkatapos ng bagong taon ay maraming mga pet owners ang nagtutungo sa kanila para ipacheck up ang kanilang mga alagang aso at pusa. Maari rin naman gawin ang anti anxiety wrap sa mga alagang aso at pusa

Aniya na mayroong mga alagang hayop na matagal bago makarekober sa trauma na dulot ng mga paputok kung kaya’t sa mga ganitong panahon kinakailangan na bantayan sila at ilayo sa mga maiingay na nagpapautok.