DAGUPAN CITY- Dahil sa diverisity ng paniniwala sa Estados Unidos, hindi lahat ng mga tao roon ay isinasabuhay ang paniniwala ukol sa Semana Santa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bradford Adkins, Bombo International News Correspondent, hindi lahat ng naninirahan sa mga komunidad na ito ay Katoliko.

Aniya, mayroong iba’t ibang relihiyon na kinabibilangan ng mga residente, kaya’t kapansin-pansin ang diversity sa paniniwala.

--Ads--

Gayunman, nananatiling buhay ang mga kaugaliang Pilipino pagdating sa paggunita ng Mahal na Araw.

Ilan sa mga nakaugaliang isinasagawa pa rin ng mga Pilipino ay ang hindi pagkain ng karne tuwing Biyernes Santo, paggamit ng palaspas, at pagsasagawa ng pabasa at pasyon.

Bagama’t may pasok pa rin sa trabaho sa maraming lugar, may ilang batas o patakaran na ipinatutupad upang bigyang laya ang mga empleyado na nais lumiban at maglaan ng oras para sa kanilang paniniwala.

Samantala, sa mga Mexican communities, isinasagawa rin ang Visita Iglesia.

Gayunpaman, may mga grupo pa rin ng iba’t ibang relihiyon na nagsasagawa ng kani-kanilang aktibidad, na dapat igalang at hindi kuwestyunin.