DAGUPAN CITY- Iba ang pagdiriwang ng Pasko sa bansang Israel, kumpara sa mga nakasanayan ng mga Pilipino.

Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Marvin Dabu Cuellar, Bombo International News Correspondent sa bansang Israel, medyo humupa na ang tensiyon sa nasabing bansa dahil sa isinagawang ceasefire sa Lebanon, ngunit tuloy pa rin ang isinasagawang ground operations at pagbabantay sa mga border.

Aniya, iba ang kanilang inihahandang pagkaing pamasko at hindi rin gumagayak ang mga bata upang ipagdiwang ang espesyal na araw.

--Ads--

Wala rin umano ang mga nakasanayan tradisyon sa Pilipinas dahil na rin sa lokasyon ng dalawang magkaibang bansa.