Generally peacefull ang pagsalubong ng bagong taon dito sa lalawigan ng Pangasinan at lungsod ng Dagupan.

Mula umaga kahapon hanggang pagsapit ng ala 12 ng hatinggabi ay walang naitalang mga malalang firecracker related injuries at wala gaanong nagpapaputok sa lungsod

Tanging malaking problema ay ang mga naiwang basura.

--Ads--

Ayon naman sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Police Col. Ronald Gayo, PNP Pangasinan Provincial Director , naka full alert ang pambansang pulisya simula pa noong nagsimula ang pandemya.

Lalo pa aniyang pinaigting ang pagbabantay para mapigilan ang mga magtatangkang gumamit ng malalakas na uri ng paputok.

Sa pangkalahatang obserbasyon ay nabawasan ang pag iingay sa pagalubong sa taong 2021.

Ito ay bunsod na rin ng pagbabawal sa paputok, torotot , pagkanta sa videoke at maging ng pinaiiral na curfew hour.

Police Col. Ronald Gayo, PNP Pangasinan Provincial Director

Sa pinakahuling monitoring ng Bombo Radyo Dagupan, nakapagtala na ng pitung firecracker related incidents ang RIMC dito sa lungsod ng Dagupan.