Ipinagbabawal na ng mga otoridad sa Rwanda ang malaking bilang ng mga bisita sa anumang libing ng mga biktima ng Marburg virsu dahil sa banta ng nakakahawakng sakit.
Umabot na sa 8 ang nasawi sa unang outbreak ng naturang virus, ayon ito sa kumpirmasyon ng Health ministry ng bansa.
Sa bagong inilabas na guidelines upang mapigilan ang pagkalat nito, sinabi ng Health ministry na hindi dapat hihigit sa 50 katao ang dadalo sa libing ng nasawi mula sa sakit.
Gayunpaman, mananatiling normal ang mga negosyo at iba pang aktibidad.
Hinihikayat naman nila na iwasan ang pagkakaroon ng close contact mula sa mga “symptomatic.” Upang malaman, ang makikitaan ng lagnat, pananakit ng ulo, pananakit ng kasu-kasuan, pagsusuka, at pagdudumi ay ang mga “symptomatic.”
Nagdudulot naman ng pagkasawi sa pamamagitan ng extreme blood loss.
Dagdag pa nila, katulad ito ng Ebola na may 88% na fatality rate.