DAGUPAN CITY- Malaking tulong pagbibigay ng special permit sa mga pampublikong sasakyan ngayong holiday season, lalo na at bultuhan ang mga mananakay sa ngayon.
Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jaime Aguilar, Secretary General ng National Confederation of Transportwork, dapat alalahinin ang kalagayan ng mga mananakay lalo na at Holiday season kung saan dagsaan ang mga pasahero.
Aniya, kulang na ang public transport dahil sa dami ng mga nabawas.
Dagdag niya, nakikipag-usap na rin ang grupo sa Department of Transportation na iextend na rin ang oras ng biyahe ng mga tren upang magsilbi itong tulong sa mga mananakay.
Hindi rin lahat at aprobadong bigyannng special permit para sa kanilang special route, naka depende lamang ito sa lokasyon at pangangailangan ng isang lugar.
Sa kabilang banda, naabuso rin ang paggamit ng special permit kung saan kahit tapos na ang holiday season ay patuloy pa rin ang extended na pagbiyahe ng ilan.
Importante rin umanong pagtuunan ng pamahalaan ang usapin tungkol sa budget ng trasnportasyon at tutukan ang mga mahahalagang usapin ukol dito.