Ang selebrasyon ng Father’s Day ay naaayon sa obligasyon ng isang ama.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Joey Tamayo – Co-anchor, Duralex Sedlex matatawag na isang ama ang isang lalaki kung ang lahat ng kaakibat na obligasyon ay ginagampanan nito.

Aniya na kung may isang ama na tumatakbo o tumatalikod sa obligasyon nito ay pwedeng ireklamo.

--Ads--

Gaya na lamang ng pagpafile ng barangay complaint.

Ang ina ng bata ay maaaring manindigan para sa karapatan ng kaniyang anak at ang tungkulin ng suporta ay kaakibat sa relasyon sa pamilya.

Batay sa Family code of the Philippines may tungkulin ang isang ama na magbigay ng buwanang suporta at kapag ito ay tumanggi sa kaniyang obligasyon at hindi naayos sa barangay ay maaari na itong ilapit sa hukuman.

Ang hukom ay papatawan ito ng utos na magbigay suporta at kung hindi magbibigay ay pwedeng ipag-utos na ito ay ikulong.

Samantala, hinggil naman sa usapin na kapag ito ay nanindigan na hindi siya ang ama ang bata ay dapat niya itong patunayan.

Sa pamamagitan ng dna testing ang lalaki ang gagastos upang patunayan niya na hindi siya ang ama ng bata.