Dagupan City – Suportado ni Leonardo Montemayor, dating Agriculture Secretary at kasalukuyang Chairman ng Federation of Free Farmers (FFF), ang panukalang ibalik ang ilang pangunahing kapangyarihan ng National Food Authority (NFA) na nawala sa bisa ng Rice Tariffication Law.
Gayunpaman, iginiit niyang dapat may malinaw na safeguards upang maiwasan ang pang-aabuso at katiwalian.
Ayon kay Montemayor, kung babalikan ang mga nagdaang pangyayari, maraming mapagsamantala ang nakinabang noon sa sistema.
Kung saan may mga pagkakataong nabibili ang bigas mula sa NFA at hinahalo sa sarili nilang stocks, at ibinebenta sa merkado.
Kung kaya’t nalulugi ang mga mamimili, at nawawalan ng saysay ang layunin ng NFA.
Bagama’t bukas si Montemayor sa posibilidad ng pagbabalik ng ilang gampanin ng NFA, iginiit niyang kailangang pag-aralan at isaalang-alang ang posibilidad ng korapsyon kung walang sapat na oversight at mekanismo ng pananagutan.
Samantala, suportado rin ni Montemayor ang kampanya ng Pangulo para sa honest-to-goodness governance, lalo na sa mga proyektong may kinalaman sa flood control.
Ngunit giit niya, hindi sapat ang puro salita dahl kailangan may managot sa mga iregularidad upang tuluyang maibalik ang tiwala ng publiko.