Wala sa probisyon ng konstitusyon na ibalik sa House of Representatives ang impeachment complaint na galing na mismo dito.
Ayon kay Atty. Joseph Emmanuel Cera – Constitutional Lawyer sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan ang ganitong pasya ay unconstitutional at tila ba naisahan ang minority members ng Senado matapos lima lamang sakanila ang bumoto na kontra na ibalik sa Kamara ang impecahment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Aniya na lilikha lamang ito ng legal constitutional problem lalo na at hindi na maibabalik on time bago mag Hunyo 28 ang complaint dahil sa panibagong congress na papasok.
Ang ganitong hakbang ay tila ba implikasyon na superior ang Senate at inferior ang House of Representatives na hindi dapat dahil pantay o equal lamang ito.
Gayunpaman, kung ipagpapatuloy ang impeachment process ay magiging politically damaging parin ito sa Bise Presidente sakaling makalusot man ito sa impeachment.
Gayong ang mga maipepresentang ebidensiya laban sakanya ang magiging spotlight sa impeachment proceedings.