BOMBO RADYO DAGUPAN – Magpapaganda muli ng takbo ng eskwelahan ang pagbabalik ng Community sa Parent-Teachers Association.


Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Willy Rodriguez, Presidente ng National Parent Teachers Association Philippines, tinanggal ng Department of Education ang Parent-Teachers Community Association noong 2019.


Nagsimula na ito aniya ng pagkakaroon ng katiwalian ng ibang opisyal ng eskwelahan katulad ng karamihan sa fund raising na nakokolekta mula sa PTA ay napupunta lamang sa public official na nasa loob ng eskwelahan.

--Ads--


Depensa pa ng mga kurap na punong-guro ay boluntaryo lamang ang kontribusyon ng koleksyon ngunit lumalaki naman ang kinokolekta.
Naging manipulado na umano ang nasabing asosasyon ng mga guro at magulang.


Kaya naman, malaking bagay ang pagsasabatas muli nito sapagkat muling maibabalik ang pagkakaroon ng tungkulin at responsibilidad ang PTA sa loob ng paaralan.


Aniya, sila na ang makakapaghawak ng kantina, at ang distribusyon ng pera para sa proyektong isusulong ng PTA.


Direkta din makokonsulta ang mga magulang upang matukoy ang pangangailangan ng mga estudyante sapagkat pinapaniwalaan ni Rodriguez na epektibo ang papel ng mga magulang sa paaralan.


Paniguradong maiiwasan ang katiwalian sa bawat proyekto ng PTCA dahil community based ang bawat proyekto at hindi na mula sa Department of Education.


Masusubaybayan na din ang financial report ng isang eskwelahan.


Malaki ang pasasalamat ni Rodrigues sa tulong ng DepEd Central at Regional Directors dahil sa magandang polisiya na maging transparent ang isang paaralan sa mga proyekto.


Ito na aniya ang simula ng tuloy tuloy na pag unlad ng edukasyon.


Samantala, iniimbita naman ni Rodriguez ang mga magulang na miyembro ng PTA upang malaman nila ang kanilang karapatan kaugnay sa Open government fund at Maintenance and Other Operating Expenses.