Umaabot sa 1,000 mga estudyante ang pinahintulutang makibahagi sa limited face to face classes sa Bonuan Boquig National High School dito sa lungsod ng Dagupan.


Sa bahagi ng mensahe ni Renato Santillan Principal ng Bonuan Boquig National High School, sinabi nito na sa 3,200 na estudyante ng naturang eskwelahan ay nasa 1,000 ang may consent ng kanilang mga magulang at vaccinated na ang makibahagi sa face to face class.


Nagpapasalamat umano ito dahil matapos ang 2 taon, muling magbabalik sa eskwela ang mga estudyante.

--Ads--


Ipinaabot din nito ang taus pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa sa aktibidad kabilang na ang mga magulang, estudyante at mga guro.


Samantala ayon naman kay Rica May Simbulan, Gr. 12 Supreme Student Government President ng naturang eskwelahan, masayang masaya sila sa kanilang pagbabalik eskwela matapos ang dalawang taon.

Karamihan aniya sa mga estudyante ay maagang pumasok sa eskwela ngayong araw kasama ang kanilang mga magulang .

Ipinagpasalamat naman nila ang ginawang paghahanda ng eskwelahan sa pagbabalik klase ng mga mag-aaral tulad na lamang ng hand washing station at komportableng silid aralan.