BOMBO DAGUPAN- Nagdadalamhati ang mamamayan ng Iran matapos ang nangyaring insidente kay Iranian President Iranian President Ebrahim Raisi.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Jestoni Osinta, Bombo International News Correspondent sa bansang Iran, nasa layong 600 kms papuntang North West Capital ng Iran ang pinagbagsakan ng helicopter na sinasakyan ni Raisi.

Umabot lamang ng 10 oras ang paghahanap sa presidente at sa mga kasamahan nito dahil masasabing isolated ang lugar na pinagbagsakan ng sinakyang helicopter. Maliban pa sa isolated ay puro bundok, mabato, at mahamog ang naturang lugar kaya nahirapan ang mga rescuer.

--Ads--

Kaugnay nito, hanggang sa ngayon ay wala pang nakikitang survivor mula sa insidente.

Samantala, pansamantala namang uupo bilang presidente ang kanilang bise presidente bago isagawa ang panibagong eleksyon makalipas ang 40-50 araw.

Subalit kinakailangan pa ito ng pag apruba ng Supreme Leader, bago tuluyan isagawa.