Dapat isinapubliko at hindi itinago ni ang pag reconsider sa dismissal order sa kaso ni Senator Joel Villanueva na inisyu ni dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Ayon kay Atty. Michael Henry Yusingco, political analyst sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, sinabi nito na may authority si Martires na ireconsider ang dismissal order pero ang hindi katanggap tanggap ay ang hindi niya isinapubliko noong 2019 na ni reconsider na pala niya ang dismissal.

Giit niya na hindi puwedeng pabayaaan na lamang ito dahil ang dating incumbent lawmaker na ngayon ay senador ay nasangkot sa pork barrel corruption at ang hindi pag anunsyo ay malinaw na nais itong itago.

--Ads--

Aniya,mahalaga itong usapin dahil ang kasong kinasangkutan ni Villanueva na patungkol sa pork barrel ay konektado sa kinagagalitan ng taumbayan ngayon na budget insertion na napunta lang sa mga corrupt na public officials.

Samantala, pinangangambahan na may kahalintulad pang mga kaso sa ilalim ng administrasyon ni dating ombudsman Martirez at marami pang kaso na maaaring naisampa na ngunit biglang nadismiss.

Ito ang dahilan kung bakit malakas umano ang loob ng mga corrupt na public officials dahil nakakalusot sila at ang masaklap ay mga opisyal na tinaguriang protector ng taumbayan na inaasahang tagapagtanggol ang nagpapalusot sa kanila.

Binigyang diin nito na tama lang si ombudsman Jesus Crispin Remulla na maimbestigahan ito.

Matatandaan, nag-ugat ang dismissal order kay Sen. Villanueva, noong siya ay kinatawan pa ng CIBAc party-list, matapos ipag-utos ni noo’y Ombudsman Conchita Carpio.

Subalit in-adopt ng Senado sa ilalim din noon ng pamumuno ni Sen. Vicente Sotto, na chairperson ng Senate Committee on Rules ang argumento ng abogado ng Senado, na walang kapangyarihan ang Ombudsman at tanging Senado lamang ang may kapangyarihang suspendihin o sibakin mula sa serbisyo ang sinumang miyembro nito.