DAGUPAN CITY – Talamak na naman ang bentahan ng mga halloween products lalo na at nalalapit na ang Undas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Tony Dizon Campaigner, Ban Toxics na madami na silang namomonitor na mga tindahan na nagsisimula ng magdisenyo ng mga nasabing produkto gaya na lamang ng maskara.

Aniya batay sa kanilang isinagawang pagsusuri ang mga ito ay nagtataglay ng mga kemikal na masama sa kalusugan.

--Ads--

Kung saan napag-alaman na mataas ang lead content nito.

Una sa mga nakikitang dahilan ay dahil narin sa presence ng pintura at pangalawa ay ang materyales kung saan ginawa ang nasabing produkto.

Posible na nasasamahan ng mga recycled plastics ito na may taglay na lead sa proseso ng pagagawa.

Nababahala naman ito sa mga batang bibili dahil kapag inilagay ito sa kanilang bibig ay baka masinghot o di naman kaya ay masama sa kanilang kinakain ang ilang mga particles mula dito.

Kaugnay nito ay agad nilang isinapubliko ang kanilang findings upang magbigay ng kamalayan at babala sa mga nanay na bibili ng mga ganitong produkto para sa kanilang anak.

Paalala naman nito sa lahat na maging mapanuri sa pagbili, kilatisin ito ng mabuti at siguraduhing sa mga lehitimong mga tindahan lamang bumili.