DAGUPAN CITY- Iginiit ni House Deputy Minority Leader Rep. France Castro na napopolitika ang di umano’y pag-‘dribol’ o pagdedelay ng senado sa Impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan sakaniya, maaaring nais ng karamihan sa senado, patikular na umano si Senate Pres. Chiz Escudero, na mapanatili ang kaniyang pwesto sa pamamagitan ng mga Duterte o ‘di naman ay paghandaan ang 2028 Election.
Aniya, nagdadahilan na lamang ang mga ito upang magkaroon ng pagkaantala ang impeachment trial ni VP Duterte.
Gayunpaman, ikinagulat nila ang paglipat nito sa June 11, na unang itinakda noong June 2, dahil umano sa kailangan paghabol sa mga dapat maipasang batas sa senado.
Binigyan diin ni Castro na sa ilalim ng konstitusyon ay nararapat lamang na agarang isagawa ang impeachment trial.
Subalit, sa paglipat nito sa June 11 ay nagiging malabo na maituloy pa ito dahil ang nasabing araw ay ang huling sesyon sa senado.
Tulad ng sinabi ni Sen. Risa Hontiveros, naniniwala rin si Castro na ang pagkadelay ay maituturing na ‘obstruction dressed as a protocol’.
Kaya sa pagpasok ng 20th congress ay inaasahan niya na haharap ang pagdinig sa impeachment trial ni VP Sara sa mga pagkwestyon sa teknikalidad.
Dagdag pa niya, hindi titigil ang kanilang samahan sa pagbantay sa impeachment trial upang matiyak ang maayos at hindi ito mabahiran ng pandaraya.