DAGUPAN CITY- Lubos ang pagpapasalamat ng Municipal Disaster Risk Reduction Management sa kanilang mga responder sa bayan ng Bugallon sa patuloy na pagtulong at pag-antabay sa mga kalamidad lalong Lalo na sa mga sunod sunod na nagdaang bagyo.
Ayon kay Lea Cosas Navato, Assistant Officer-in-charge ng naturang tanggapan, buo at naging handa ang mga responder sa kanilang bayan sa sunod-sunod na bagyo para matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga mamamayan at sa buong lalawigan.
Kaugnay nito ay maayos at balik normal na rin ang sitwasyon sa bawat barangay ng bayan na kung saan anya ay hindi lubusang naapektuhan sa bagyo.
Bunsod na rin sa kanilang naging kahandaan at patuloy na pagmomonitor at pag-aabiso sa kanilang nasasakupan.
Bagamat mayroong mga lugar ang nakaranas ng pagbaha partikular na sa mga low-lying areas dahil sa mga pag-ulan at ang epekto sa pagpapakawala ng tubig mula sa San Roque dam ay naging mabilis din ang paghupa.
Samantala, Wala rin naming naitala na kaswalidad o anumang insidente kaugnay sa nagdaang bagyong ‘Pepito’.