DAGUPAN CITY- Hindi naman kinakailangan ang importasyon sa bansa kung matutugunan ang pagpapaunlad sa industriya at masusuportahan ang mga lokal na mangingisda.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Pablo Rosales, National Chairperson ng Pangisda Pilipinas, ang commitment ng bansa sa regular na pag angkat ang tinutugunan nito at hindi ang kawalan ng suplay at pagtaas ng presyo ng isda.

Aniya, dahil dito ay nakikinabang lamang mga kapitalista sa pag unlad ng mga pangisdaan.

--Ads--

Wala naman kase umanong batayan ang pag-aangkat dahil sa Oktubre pa ang closed season.

Aniya, marami ang suplay at nahuhuling galonggong kung saan truck ang dami ng pagpapadala nito sa National Capital Region.

Gayundin sa isdang tamban ngunit hindi aniya ito tinatanggap sa palengke.

Mura man ito ngunit hindi lamang ito mabenta sa merkado dulot na rin sa mabilis itong humina kung hindi maibenta agad.

Subalit, kung maibenta ito sa bagsakan ay hindi na aniya kakapusin ang bansa sa suplay ng isda.

Malaking tulong na rin aniya ang suportang manggagaling sa pamahalaan upang maiangat ang kanilang kapasidad sa panghuhuli ng isda.

Sa katunayan, mga commercial fishing ang mga nakikinabang sa mga isda ng municipal waters.