DAGUPAN CITY – Taong 1972 nang iproklama ni Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ang batas militar sa bansa, labindalawang taon na ang nakakaraan sa kasalukuyan.
Ayon kay Xiao Chua Historian, bago pa man ang anunsiyong ito ni Marcos Sr. ay may mga hinuli na sila, kung saan nagamit niya ito upang pahabain ang kaniyang panunungkulan at manatili sa kapangyarihan.
Aniya nasa higit 11,000 na human right violations ang naitala gayundin ang pagpatay, pagkulong ng walang warrant of arrest at maging pagtorture.
Bagama’t noong panahong iyon ay nasa iisang tao lamang ang kapangyarihan dahilan upang magkaroon ng pag-abuso at maraming paglabag.
Dahil sa mga pangyayaring ito sa kasaysayan ay umaasa ito na matuto tayo sa kadiliman ng nakaraan at gamiting pagkakataon na huwag na itong ulitin.
Samantala, sa kasalukuyang administrasyon aniya ay malayo sa pagkakaroon na magpatupad ng martial law sa pamumuno ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. dahil maayos naman ang sitwasyon sa ngayon at ang tanging problema lamang ay ang pag-aaway away ng mga nasa pwesto.
Ani Chua ay mainam na magsama-sama na lamang ang mga lider at magtulungan na magtrabaho para sa bayan.
Dahil aniya ang tagumpay natin sa kasalukuyan ay mapapanatili lamang kung mapapangalagaan ang ating mga karapatan at magtulungan ang bawat isa para sa ikabubuti ng ating bansa.