Pinawi ng Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG ang pangamba ng mga local farmers hinggil sa pag aangkat ng sibuyas ng Department of Agriculture.

Ayon kay Engr. Rosendo So, chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, sinabi nito na kaunting volume lang naman ang papasok sa bansa at hindi pa nakakabahala .

Naniniwala si So na magiging stable ang presyo ng sibuyas at babalik din sa P80 per kilo mula sa P110 na presyo nito sa kasalukuyan.

--Ads--

Aminado siya na nagmamadaling mag harvest ng sibuyas ang ibang local farmers dito sa lalawigan dahil hinahabol nila ang magandang presyo na umabot ng P110 – P130 na presyo sa Manila.

Dagdag pa nito na maganda ang kalidad ng mga sibuyas sa kasalukuyan.

Nauna rito ay kinumpirma ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na inaprubahan niya ang importasyon ng 3,000 metric tons ng pulang sibuyas at 1,000 metric tons ng puting sibuyas, na inaasahang darating sa susunod na dalawang linggo.

Matatandaan na umalma ang ilang mga grupo sa pag-iimport ng sibuyas dahil pinaniniwalaan na hindi ito ang tamang oras para umangkat ng sibuyas.