Mahigit dalawampung saksak sa katawan ang natamo ng isang haligi ng tahanan matapos nitong pagsasaksakin ang kanyang sarili sa bayan ng Sta Maria, Pangasinan.

Ang hindi na pinangalanang biktima ay isang 50 anyos na residente ng Brgy San Mariano sa naturang bayan.

Ayon kay Police Capt Jervel Rillorta, Chief of Police ng Sta Maria PNP, isang tawag ang kanilang natanggap na may alleged suicide insident ang naganap sa mismong loob ng compound ng Eastern Pangasinan Agricultural College na isang lalaki ang pinagsasaksak ang sarili gamit ang kutsilyo.

--Ads--

Sa kanilang imbestigasyon, ang biktima kasama ang dalawang minor de edad na anak ay sakay ng isang tricycle galing mall sa bayan ng Rosales na pauwi na sa kanilang tahanan.

Habang binabagtas umano ang national highway, napansin ng tricycle driver na tila nais umanong tumalon ng biktima sa tricycle kung kayat dahan dahan nitong minaneho ang sasakyan.

Hanggang pinatigil nito ang tricycle sa may tapat ng Eastern Pangasinan Agricultural College 0 EPAC at hiniram sa kanyang kakilalang guard ang isang kutsilyo sa kadahilanang may hihiwain ito.

Bigla na lang umano nitong pinagsasaksak ang sarili sa harap ng maraming tao.

Inawat pa ng mga empleyado ng paaralan ang biktima ngunit patuloy ang pagsaksak sa sarili hanggang sa mawalan ng malay.

Nabatid na ang insidente ay nasaksihan mismo ng kanyang dalawang menor de edad na anak.

Police Capt Jervel Rillorta, Chief of Police Sta Maria PNP

Ayon pay kay Capt Rillorta, dumadanas umano ng depresyon ang biktima dahil nagpapatuloy ito sa gamutan.

Nabatid na hindi ito ang unang pagkakataon na may ginawa ang biktima sa kaniyang sarli.

Samantala, agad naman naitakbo sa ospital ang biktima at nasa kritikal na kondisyon.