Naglunsad ng proyektong pangkabuhayan ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa bayan ng Bayambang katuwang ang Public Employment Service Office (PESO)

Ang nasabing proyekto ay ang pamamahagi ng livelihood package sa 6 na magulang ng mga bata na kabilang sa mga child laborers.

Ang bawat isa sakanola ay tumanggap ng livelihood package na nagkakahalaga ng P27,000 na naglalaman ng pwedeng pangbenta sa sari-sari store, at bigas na maaaring ring maibenta nang makapagsimula ng negosyo.

--Ads--

Sa pamamagitan nito, naipapakita at napapatunayan ng DOLE, PESO, at ng lokal na pamahalaan na kanilang nalalabanan ang child labor sa kanilang bayan dahil nakapagbibigay sila ng mas magandang oportunidad sa mga pamilya o sa mga benepisyaryo.