BOMBO DAGUPAN – Tiniyak ni vice governor Mark Ronald Lambino na hindi na kailangan na sila ay magpasa ng resolution sa P200 million na pondo para sa barangay Malico sa bayan ng San Nicolas.
Ayon kay Lambino, nakahanda na ang nasabing halaga para magamitsa pagpapauland ng nasabing bareangay para sa kapakinabangan ng mga residente o alinmang tribu silang kinabibilangan na naninirahan sa lugar.
Ang P200 million ay para sa tourism development sa lugar, at pagtatayo ng mga ibat ibang pasilidad,imprastraktura at social services sa barangay.Inanunsyo rin niya ang plano ng provincial government na magpatayo ng resort at mga facilities na kagaya ng mga pasilidad na ipinatayo sa bayan ng Lingayen upang makahikayat ng mga clients at customer.
Matatandaan na binanggit ni Pangasinan Gov.Ramon Guico III na maglalaan ang Pamahalaang Panlalawigan ng P200 million na pondo para sa social and development project ng nasabing barangay.
Aniya, magpapatayo rin sa lugar ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO, maglalagay ng dumptruck at ambulansiya, at magtatalaga ng tropa ng kapulisan.
Binigyang diin pa ni Gov. Guico na bukas naman ito sa mga nagnanais na magpatayo ng proyekto o negosyo sa lugar basta pakinabangan ng mga residente sa lugar.
Matatandaan na ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan at Nueva Vizcaya ay matagalan ng may boundary dispute sa brgy. Malico.
Ang brgy. Malico ay idineklara noong nakaraang taon bilang Barangay Summer Capital of Pangasinan ng Sangguniang Panlalawigan dahil sa malamig na klima.